@ stagers channel

Si Juan at Ang Sarsuela

Juan Luna Isang Sarsuela: Pagsusuri ng mag-aaral

closed
2 min readSep 21, 2024

--

Sa loob ng ilang dekada marami nang naisulat tungkol sa ating mga Pambansang Bayani, napapansin pa rin ang kakulangan ng kaalaman ng mga mag-aaral patungkol sa mga kontribusyon ng mga Pilipinong pintor tulad ni Juan Luna. Si Luna ay kilala hindi lamang sa kanyang sining kundi sa kanyang pagiging rebolusyonaryo laban sa mga mananakop na Espanyol. Ang kanyang mga obra, tulad ng Spoliarium, ay naging simbolo ng pakikibaka at pagmamahal sa bayan, at patuloy na nagbibigay-inspirasyon hanggang sa kasalukuyan.

Ngunit, hindi lamang bilang isang bayani dapat kilalanin si Juan Luna. Mahalaga ring bigyang pansin ang kanyang mga personal na laban, lalo na sa usapin ng mental na kalusugan. Sa kabila ng kanyang mga tagumpay, si Luna ay dumaan sa mga matinding emosyonal na pagsubok, na nagbunsod sa pagkamatay ng kanyang asawa at biyenan sa kanyang sariling kamay. Ang trahedyang ito ay madalas na nalilimutan o hindi nabibigyan ng sapat na pansin sa pag-aaral ng kanyang buhay.

Sa panahon ngayon, ang mental na kalusugan ay higit nang nabibigyang-halaga. Ang kuwento ni Luna ay isang paalala na ang mga bayani, tulad ng karaniwang tao, ay may mga personal na pakikibaka. Bagama't siya ay nagkasala, hindi nito pinapawalang-bisa ang kanyang mga kontribusyon sa sining at sa bansa. Ang kanyang buhay ay patunay na kahit sa gitna ng mga personal na trahedya, maaari pa ring makapag-iwan ng pamana na nagbibigay liwanag at inspirasyon para sa susunod na henerasyon—isang landas na patungo sa kalayaan at ganap na kaunlaran para sa bayan.

Pugante tayo sa sarili nating buhay. Marapat na harapin ang katotohanan na hindi lahat ay perpekto at batid na lahat ng ating palad ay may dungis. Tayo ay si Juan Luna, gamitin ang sariling sining upang itikwas, itiwalag, at mag rebolusyon upang puksain ang anay sa imperyo at lipunan.

Sa panonood ko ng Juan Luna: Isang Sarsuela, parang humuhugot ako ng lakas mula sa bawat eksena, bawat himig, bawat pag-ikot ng entablado. Sa bawat patak ng pawis at luha ng mga karakter, tila binubuksan ang mga pintuan ng kasaysayan at ako'y nalulunod sa alab ng kanilang pakikibaka.

Gutom ako, hindi sa tinapay, kundi sa rebolusyon. Sa pagbabago ng sistemang matagal nang lumamon sa kalayaan ng aking bayan. Gamitin ang sining—ang mga kulay, tunog, salita—upang ilarawan ang hinagpis ng ating mga ninuno, upang ipahayag ang sigaw ng kaluluwa ng mga nagdaan, at upang ipamulat sa lahat ang tunay na diwa ng pagiging malaya.

Ang sining, tulad ng espada, ay sandata ng isip at puso. Dito ko nais magmulat, magpagising, at mag-alab ng damdamin. Sapagkat sa sining, natatagpuan natin ang pag-asa, ang pag-ibig, at ang landas tungo sa isang lipunang malaya at ganap.

--

--

No responses yet